Friday, April 13, 2012

summer hotness

     Hmm, currently, here are my accomplished goals for this summer...


     April 1-7
          [tsek!] panoorin lahat ng movie at series na nagpapabagal sa computer ko... Iiiiiihhh, bakit ngayon ko lang napanood ang harry potter. Naalala ko tuloy nung nanood kami ng harry potter and the deathly hollows part 2 sa sinehan, inantok and halos nakatulog lang ako kasi hindi ko talaga maintindihan ang mga pangyayari, jujujuju.. at syempre, waaaahhh!! bakit ngayon ko lang napanood ang FLIPPED! kakaasar!!!! nakakaadik.. halos 5 times ko na ata sya napanood since una ko sya pinanood(ahm, today is april 14, pinanood ko ata un ay, april 2-5(range) i think..)






     April 7-14
          [slightly tsek!] pag-aralan(sos. ini-scan ko lang ata halos eh, hehehe) ang mga pdf na idinownload ko from stanford online class(coursera?).. ung online class lang ata sa software engineering ang na-gets ko.. masyadong advanced ung ibang subjects like cryptography, natural language processing, game theory, etc etc... as of kanina, tinry ko i-self study ang eclipse, hay, gusto ko pa rin ung manual compiling at running ng java, kaya stick na lang ako dun..
          /*next goal: explore java more.. kaya ko to!! :D */



Friday, May 20, 2011

Sana Talaga :)

"Never give up! Patience is a virtue! Trust GOD!" :)

I have been battling with many problems these past few days. Noong isang araw talaga, halos mawalan na ko ng pag-asa. Hearing other people say bad things about you, or rather seeing them looking at you(ung mga tingin na  tipong nanunukat ng pagkatao) has been really a traumatic experience. Grabe lang.

Kanina I had a siesta, and paggising ko naalala ko bigla ang namayapa kong tatay. Ung mga life stories nia na ikinukwento nia saken nung mga time na lasing sya habang nag-aaral ako. My father had a very poor/difficult life during his childhood days. Hindi sya nakapag-tapos ng pag-aaral kahit matalino sya dahil sa kakulangan ng pera, kaya naman siguro kung nasaan sya ngayon, masaya sya kasi lahat kami ng mga kapatid ko were given/having a chance to go to school. Alam ko na dati na naging selfish ako kasi ipinagpilitan ko na pumasok sa malayo because of personal reasons, mga dahilang ako lang ang nakakaalam. May mga experiences ako sa Batangas na nagpa-trauma talaga saken these past few years, na naging dahilan kaya naging medyo loner ako at nag-decide na i-pursue ang pagpasok sa malayo. I don't know, pero, sorry kung saan2 nagsasanga ang kwento ko ha, I also had difficulty sharing secrets with other people, even if its the person I am close to. Nung elem kasi, pinagtaksilan na ko ng bestfriend ko, telling other my confidential and almost dreadful secret na sa kanya ko lang sinabi hurted me a lot, making me afraid to trust people. Anyway, napaiyak talaga ako kanina nung naalala ko nga ang tatay ko.

I never questioned my father's ability of being a good father. Kahit di pa sya ama alam ko na good talaga sya, and I love him so much like how i love my other family members. Na-konsensya lang talaga ako kasi feeling ko ako ang pinaka-selfish at pinaka-pabigat sa family ko ngayon. I tried my best naman to be a good person, at hanggang ngayon mas pagbubutihan ko pa para mas lalong maging mabuti. Sorry talaga sanga-sanga kwento ko ha, andami kasing laman ng isip ko ngayon at as of now dito lang talaga ako makakapagbuhos ng sama ng loob kasi hindi talaga ako makapag-open up dito sa bahay. I have difficulty in sharing my feelings with them kasi im afraid to be misunderstood, pero mahal na mahal ko sila, hindi ko nga lang masyadong pinahahalata.

Sana talaga makapag-move on na ako at matanggap ang mga naging pangyayari sa buhay ko. Sana ma-realize ko na lahat ng mali kong ginagawa para hindi ko na sya ulitin. Sana, wag masyadong maging harsh ang karma sa pagtira saken. Sana rin ma-realize ko lahat ng mga naging at currently kong kasalanan para at least ma-itama ko or maka-hingi ako ng tawad sa mga na-agrabyado ko. With GOD's help, I know I'll completely move on someday. Let's all be happy, K? Hehe.. :)

Tuesday, May 10, 2011

Paranoia

Paranoia is a thought process believed to be heavily influenced by anxiety or fear, often to the point of irrationality and delusion. Paranoid thinking typically includes persecutory beliefs concerning a perceived threat towards oneself. Historically, this characterization was used to describe any delusional state.(Wikipedia)


I'm not really paranoid, masyado lang talaga akong madaming iniisip these past few days. Hayyyy, ang mga problema ko last year, solve na solve ngayon, tapos nagpalaki na naman ako ng isang kung tutuusin a problem not worth spending too much time.. Anyway, there's always a choice, masyado lang talaga akong stupid dati kaya ako nagka-ganito ngayon. I always hate regrets, pero now i realize, its a way para matuto tayo sa ating mga pagkakamali. Masaya na rin ako na nangyari saken to, at least natuto ako, kasi if hindi ako nagdudusa ngayon, baka patuloy pa rin ako sa mga mali kong ginagawa.. I dont want to wish for time to come back, kasi sabi nga, life must go on. Sana sa pasukan, ok na ko.. Ako lang sa sarili ko ang nakakaalam kung bakit tumigil ako sa summer job ko, alam kong madami akong opportunities na sinayang, pero kung may tao mang may kakayahang bumasa ng isipan, i dont know if maiintindihan mo ako. Haizt.. :(


Please dont blame me for being so selfish, gusto ko lang talagang itama ang lahat. And I want to correct it siyempre in a right and good way. Some kind of solution na wala akong mapeperwisyong buhay at wala akong masasaktan. Madami akong nasaktan at na-disappoint last year, siguro nga karma ko to. Sorry sa lahat ng nadamay sa pagiging selfish ko.. :(


With GOD's help, i know i'll move on some other time. Its too early to hope na maging maganda muli ang lahat, pero I know na darating ang oras na kaya kong lumabas ng bahay namin ng wala akong anumang aalalahanin at payapa ang aking kalooban. Now, ang gusto ko lang munang gawin ay mapag-isa at pag-isipan ng mabuti kung paano ko maitatama ang lahat. Thank you for giving me temporary space.. :)

Saturday, April 23, 2011

Inspiring First Love Stories♥



Who's your first love? Ako, si __________. anyway, masaya na siya sa buhay niya ngayon, at, nakapag-move on na ko, so, off-topic na lang siya, k??

Nakakatuwa lang itong mga nababasa ko sa peyups.com, isa sa mga site ng mga alumni or students ng UP.. Its all about, you know, FIRST LOVE♥... share ko lang ha? Don't cry if malulungkot ka sa stories ng iba, but cry kasi na-inspire ka, K? Happy reading!! :)

-callmeangel


2nd year HS, i had my first boyfriend. More than 2 years rin kami. Minahal ko yun ng buong-buo. As in, 100%. Lahat, basta mapasaya siya, okay lang sa akin. Kahit minsan, nasasaktan na ako, okay lang. Mahal na mahal ko eh. Unfortunately, napagod ata siya. Almost a year na kaming break,but i still love him. At hindi ko pa rin maiwasan na umasa na sana sa huli siya pa rin, sana may pag-asa pa. Kaya gusto ko malaman yung story ng iba. Yung story na "First love never dies. Kahit ano man ang nangyari, sila pa rin sa huli" Baka sakaling, sana yun rin ang mangyari sa akin. :"(


Magkasama kami ni first love kanina.Kain-kain. Funny nga, binati ko pa siya ng advance happy 1st anniversary ng break-up namin. Isa lang naman yung nafeel ko, alam kong masayang masaya ako.Kahit ano pinaguusapan namin, kuya niya, si Lyan ng PBB, tito niya na kinukumusta daw kakmi, ahh, basta kahit ano. Masaya ako kasi kahit papano, magkaibigan kami. Ewan ko kung makakabuti sa ngayon, paano ko makakalimutan kung nakakasama at nakakatext ko pa rin siya. Alam kong ako yung talo pero mas pinipili ko pa rin magmahal. Malapit na ang pasukan, malaki yung possibility na makahanap na siya ng bago. Hindi ko alam, natatakot ako. T_T. Ang tanga ko nga eh, kasi alam kong hindi na ako mahal nun pero okay lang naman eh. Mas kaya ko tiisin yung sakit kaysa sumuko. Kasi hanggang ngayon, umaasa pa rin ako.Thankful na lang ako na andyan pa rin siya. Alam kong di mo toh mababasa pero kahit dito na lang masabi ko kung gaano ako kasaya na meron ka pa rin sa buhay ko. Aaminin ko, natatakot ako na paano kapag may bago na. Pa, alam ko na kahit sobra-sobra yung pagmamahal ko sayo, hindi mo na yung maapreciate. Okay lang, kasi mahal kita. Lagi pa rin ako andito. Kung sakali man na may dumating sa buhay ko na bago, alam kong hindi ko na siya kaya mahalin ng gaya sa pagmamahal ko sayo. Mahal na mahal mahal kita. Hanggang kailan?Ewan ko. Ang alam ko lang sa ngayon, kahit masakit na maramdaman na tinitake for granted mo na lang ako ngayon, kasi alam mong hindi kita matiis, gusto ko malaman mo na hindi pa rin ako napapagod na mahalin ka.Handa akong tiisin kahit anong sakit. Salamt kasi pinasaya mo ako ngayon. Sana kahit papano, masaya ka rin. I love you Pa. T_T




-ekangekang

5 years kami together ni first love. we grew up together.
pero ngayon, wala na sya. kahit anong gawin ko, di na sya babalik. kahit kelan. 5 years narin syang wala, pero hanggang ngayon, wala paring nakaka-replace ng lugar nya sa buhay ko.


-myloveforever
my first love is so bitter..syempre at first friends kami..lagi kaming nagbibiruan nung hs pa kami.sya ung una kong nakatabi nung first day of school..lagi kaming nag-aaway pero biruan lng un..napansin nga ng mga classmate namin na maxado daw kaming close kea lagi kaming niloloko..pero ndi ko un pinapansin kac alam ko d naman un totoo at friends lng talga kami..mabait naman xa,,pala biro,,super ingay sa klase,,laging nangongopya assignments,,laging pinapagalitan ng mga teachers. d naman xa gwapo pero ewan ko ga!!xa ung joker ng klase..napansin ko everytime na nagjojoke xa natawa ako ndi sa nakakatawa,dahil sa mahal ko na pala xa..  ..pero........

-indigo_child
First love. *ehem* We met at BookSale, nakakita ako ng isang SK book na matagal ko nang hinahanap. Aktong kukunin ko na nang this hand came out of nowhere. Tall guy, mestiso, gwapo, naka-eyeglasses. (Bwakanangshet, weakness!). Pero kunyari di ko napansin ang good looks niya kaya nag-mataray ako at sinabi kong dapat niyang ibalik ang libro dahil ako ang unang nakakita. Sabi niya ibabalik nya kung ibibigay ko ang number ko. Syempre dahil go-getter ako at 'di choosy, binigay ko na. Ayun. Sumunod na ang mga coffee dates, lunch dates, movie dates, motel dates haha! And we're still together. 2.5 years and counting.

-pink5ive
We first met when I was 6 and he was 9. Best-friends and boardmates ang aunts namin. Taga-Cebu sila. Years later, we met again one summer vacation. I was 12 and he was 15 na. Crush ko siya pero dahil high-school na siya, feeling ko di niya ko type kahit lagi kami magkausap during that summer. Nung nag-aaral na ko sa UP, nauso na ang cellphone. Naging textmates kami one time na naki-text sa kanya yung tita ko na nagbabakasyon sa Cebu. He came to Manila to pursue medicine in another University months later. He courted me and of course I said yes. Ang saya-saya ko. A few months later, he migrated to Canada with his family. We broke up. I was too young to handle a LDR. As they say, first cut is the deepest. But life goes on. Somehow, through the years, we managed to remain friends. He calls once in a while. Pag online kami pareho, we chat. We talk about ordinary things and minsan we joke about our past. Hanggang dun na lang because he's married now. I am too. Masaya na kami na we got to be a part of each others' lives even for just a while.

-missche
Tama! First cut is the deepest! First love ko was not my first boyfriend sadly, at hindi ko talaga siya naging boyfriend. Hanggang ngayon minsan napapanaginipan ko pa din siya kahit na 2 years na siyang married. I have a bf now at mahal ko naman ang bf ko pero minsan bumabalik pa din yung feeling na dulot ng first love ko na yun. Hindi na kami masyado nagccocommunicate and hopefully in time, talagang mawala na yung ibang nararamdaman ko para sa kanya

-deMented
hmmm, my first unrequited-puppy-love was my HS classmate. sobrang lalake pero di naman bastos sa bakla (ehem). talagang bad-boy-heavy metal-ass-in-your-face kind of guy. pero di ko nasabi na gusto ko siya. nalaman ko nalang na alam nya. sinabi sa kin ng friend kong chismosa na nagsabi sa kanya. this chismosa friend is his current girlfriend. wapak.

-jethroboy
EDIT: She is everything I ever hated. She's so angsty. Bitter. Bitch. She's always despairing over something.
I met her in one of the many battle of the band competitions back in college. She's not that pretty. Pero iba yung dating nya eh. Astig kasi. Siya yung tipong siga..though, di siya super boyish. Asti lang talaga. Pag naglalakad, parang yung tipong, "wala akong pakialam sa inyo." And there is not a thing in the world that she doesn't have an opinion with. Even the most seemingly innocent billboards, song lines, etc..ina-analyze nya. She's not that pretty, but she's the kind of pretty that brings butterfiles to the stomach. Pala kuwento naman siya, though mukha talaga siyang mataray at first. Parang wala talagang pakialam.
She's so annoying dahil mahilig siyang mansopla at mambara. Pero nagustuhan ko siya eh. I think I really loved her then. Di ko siya niligawan formally dahil di siya naniniwala sa ligaw ligaw. So, yun..pasimpleng porma lang ako. She's so dense.
Then, I told her about how I feel. Then, dahil full bitch mode (a term she usually describes herself) yata siya ng time na yun, sabi niya lang is: I know, Thanks. Ang labo. Di ko ma-gets kung mag-ano kami, though wala naman siyang pinapakitang kung ano. I don't know kung dumating din ba sa point na nagustuhan niya rin ako at magaling lang talaga siyang magtago ng damdamin, or wala talaga siyang naramdaman.

-ninibelles
Awww. Usapang First Love. 
Here's mine:
I met him at my friend's party back in college. Friend siya ng BF ni party host. So after kumain, we gathered around a big table to play Pusoy Dos (adik kami lahat dito nun, ang joke nga varsity player kami ng Pusoy Dos). He was seated beside me. At dahil magkatabi kami, naging magka-kuntsaba kami kasi kapag nauna siyang matapos, ako yung magiging Mano and vice versa. Ang funny lang kasi ako ang resident bitchessa sa grupo. Pero siya raw, hindi ko sinungitan nung gabing yun (accdg to friends) at parang ang comfy namin sa isa't isa, kamay ko nasa hita niya (not in an obscene way ah) tapos siya naman ganun din.
Ayun, after mapagod, lahat matutulog na. We stayed sa couch to talk. Jusme! Pamorningang kwentuhan! Everything under the sun (or the moon for that matter). Pati yung sabi ko na di ko masyadong gusto guys na mahaba buhok kasi i go for the clean cut ones (medyo mahaba buhok niya nun). So we agreed na magkikita for the UP Fair - Friday (Sunday kasi to). Wala siyang cellphone nun pero kinuha niya number ko.
Ayan, come Thursday, tumawag siya para iconfirm na magkikita nga kami kinabukasan for the Fair. At susunduin nga raw niya ako sa tambayan. Pagdating niya nya sa tambayan, pakshet! Bagong gupit siya!  Napatumbling ako sa kilig! Before going to the fair, we had a "talk". It went somthing like this:
FirstLove: "I like you. I feel very comfortable being with you. I dunno why pero iba yung pakiramdam nung kasama kita sa party. hindi ako naniniwala sa ligaw"
Me:[i]"ako rin eh, kasi ligaw is nililigaw mo lang yung girl"

FL: "pero I'd love to get to know you more.
Me: "I feel the same way too. I know my friends will prolly raise their eyebrows on this pero I like you too.
FL:"So I guess we can be together and get to know each other in the process.
Me: (At ang final hirit ko) "Right on boyfriend!"
At lumabas kami ng tambayan na kami na. 
He said his "I love you's" earlier than me, after 3 months pa ata ako nag-I Love You sa kanya eh, tapos sa love letter pa. Wahahhaha
Ohwell papel. Naging kami for 3 years +. I met everyone in the family, ganun din siya sa side ko. Medyo maraming pinag-daanan. I broke up with him kasi i fell out of love (meh ganun?!) But i think he is my TOTGA. We are still best friends now pero bilang paggalang ko sa fact na may gf siya, distansya muna kami sa isa't isa. He still visits my family when he is in town, ako naman Im still in touch with his family too, esp his pamangkins.
So fastforward, kahit hindi na kami, he is still the 1st person I talk to whenever I get in a bind. Siya rin naman kapag yung psychotic gf niya may bago na namang pakulo, ako rin kinakausap niya. I remember telling him I was pregnant and how we both cried. (Umiyak siya, naiyak rin ako). At naalala ko kung gaano siya kagalit nung nalaman niya mga pinaggagawa ng ex ko sakin. And how I was the first person to tell him he passed the med boards and congratulated him on the same.
Yuck. Napahaba ang kwento! 

-11th_Doctor
Ahhh, first love, memories. 
Yung sa akin pre-school pa lang magkaklase na kami hanggang grade 6. Ewan uhugin siya pero cute naman. Lagi kaming naglulunch ng sabay. Siguro mag-HHS na kami nung nalaman kong ayun na nga siguro hindi na siya infatuation talaga. Pero ang complicated kasi na magkaibang magkaiba ang kinalakihan naming social status, mayaman siya, at ako si medyo ok lang. Sinubukan kong sabihin sa kaniya pero wala eh, ayaw niya talaga sa akin. Hindi ko alam kung nanibago lang siya or nandiri so hindi na kami naglulunch ng sabay. Grumaduate kami na hindi nagkakaayos. Pareho kaming lumipat ng schools after Grade 6, nakita ko siya sa Friendster hindi niya naman ako inadd. Nagkaroon ako ng fling nung HS pero nakipagcool-off din kasi si first love pa rin nasa isip ko. Fast forward to college, pareho kaming nag-aral sa UP. Hindi naman pala siya galit sa akin at isa daw ako sa mga important friends niya hehehe. Pero dahil ayaw niya sa UP, lumipat siya sa Ateneo. Hanggang ngayon gusto ko pa ring sabihin sa kaniya yung totoo. Malungkot ako nung umalis siya ng UP, minsan umuupo ako sa Sunken Garden at iniisip na baka bigla siyang bumisita sa UP at baka magkita kami. Ay, sorry napahaba hahaha. 

-ayzbebe
started out as someone's friend, naging constant txtmate, ka email, kachat. naging kami, found out that we were soulmates. had our ups and downs. finally broke up after less than 3 years, when i found out that he was cheating on me. later found out that he was cheatingon me all along, while we were still together. took almost a year and half to finally and truly get over him.
somehow, found the strength and the decency to be friends again. he is now married and with a son. ok kami pero ayaw saken ng asawa niya (or so i heard), we rarely get to talk, but i still and will always consider him my soulmate. kahit na wala nang feelings (love) 

-Aki
first love..
hmm..noong una, sweet tas nung huli bitter..
first love=first heartbreak
he was my friend's high school buddy, tapos naging constant textmates, naging simple crush, tapos naging love. lols
since long distance and we rarely see each other, hindi rin kami masyado nakapagbonding pero tumagal kami ng one year din. Kala ko noong una, eh siya na nga. Akala niya rin ata. Kaso, nalaman ko na may finiflirt siyang schoolmate niya noong highschool na lower batch (thru friendster ko pa nalaman). and it seems na ayaw na niya ng long distance relationships, noong tinanong ko siya about sa mga nasabi niya regarding the girl and our relationship, hindi na siya nag-explain. After a week na walang paramdam eh nakipagbreak na ako sa kanya. Nakakalungkot kasi kaka-anniv lang namin at magkasama pa kami one week before the break up. Di mo akalaing may malaking problema. Hehe.
Di ko rin makalimutan kasi nagdedicate pa siya ng tatlong bulletin sa friendster para sa akin dahil sa galit niya kasi akala niya sinumbong ko siya sa parents niya. Lols..
Medyo nahirapan din akong makamove on pero okay na ako ngayon. hehe =]

-djangga
Dahil na inspire ako sa kwento ni ate nini, pa-share na rin... ang kwento namin ni Batman
Start ng 2nd sem nang napadpad ako sa tambayan ng religious org ko dahil iniwasan ko ang dati kong manliligaw. (Sinagot nya pala ung girl na nanligaw sa kanya over sembreak. Sila na pero nilalandi nya pa ko)
Sa bagong org, nakilala ko si batman. Isa sya sa pinakamaangas na members: suplado, mayabang, malakas tumawa, laging nambu-bully ng ibang mem. Hindi naman nya ako binully, hindi lang kami nagpapansinan, so ok lang.
Sa bagong org, may residenteng manyak. Halos lahat ng new mems, nililigawan nya. One week after syang i-basted ng friend ko, ako naman ang in-attempt na pormahan. Itago natin sya sa pangalang Master...
Master (pabulong): Djannga, pwede bang manligaw
Djangga (uber shocked, malakas ang boses): Ha? Master? ok ka lang? Kaka-basted lang sa yo ni XXXX ah!
Batman (si perslab): Uy master, ano yan? Tigilan mo nga si Djangga!
Tatayo si batman at gigitna kila Djangga at Master. Aakbayan nya si Djannga, at lalakad sila palayo kay Master
Mula noon, lagi na kaming may private time sa tambayan. Pagdating ko,sya una kong binabati. ang customary shakehand sa ibang mems, sa kanya, hug. minsan, hindi ko sya pinansin, hiniritan ako bigla ng "HUG KO?". Tuloy lang sya sa pag-chess/poker/magic habang ako nakikipagkwentuhan sa ibang org friends. pero pagpatak ng 5pm, umuuwi na ung ibang mems, mga astig na lang ang natitira. Un ang private time namin para makapag-usap, kwentuhan. kapag dalawa lang kami, nandun kami sa kotse nya, soundtrip lang, HH. Kapag may kasamang iba sa grupo, magkatabi lang kami, magka-hug or HH. Hindi na nga namin napansin na from mag-kuya relationship, we fell in love. Dumating na lang ung point na lahat ng pumuporma sa kin before, bigla na lang hind nagparamdam, tapos hinihintay na lang ng mga kabarkada namin ang announcement namin na kami na. Hindi naman nangyari yun, kasi never naman naging kami.
tapos natapos ang sem, grumaduate sya. Hindi na sya nagpakita sa tambayan kahit nagma-masters sya. Inisolate nya ang sarili nya, pero tuloy pa rin ang pagtext namin. Hindi naman ako makapag-demand ng explanation, kasi nga hindi kami.
Fast forward to today, after 5 years. hindi pa rin kami. Pareho kaming wala pang naging serious relationship. Pero pareho kaming nag-uupdate sa buhay ng isa't isa. Nagseselos pa rin sya kapag nakikipag-date ako sa iba, pero hindi nya naman ako mapigilan. Sya naman, wala pang dinedate na iba. Sya pa rin ang takbuhan ko, lalo na kapag loka-loka mode ako. May times na tahimik kami pareho, tapos out of nowhere, biglang mangangamusta. Nagkikita pa rin kami paminsan-minsan. Minsan nga nag-aaway pa kami. Pero andyan pa rin sya after 5 years. Ang labo ng set up namin, gusto ko nang mag-move on, pero di ko magawa. Marami namang makakahigit sa qualities nya, or at the very least, kayang magcommit di gaya ni batman.
ang haba...anuber

-gazebo14
yung first love ko, sya yung guy nung grade school ako lagi nya ko binibiru, lagi nya ko inaasar, during recess lagi nya ko tinutukso, then years passed by nakita nya ulit ako, 2nd yr HS, sabi nya sakin "hello, ang laki mo na, dalagang dalaga ka na ah" and then he asked for my number, sabi ko lang "pagbalik ko" then days passed by kinukulit nya ako sa number ko so binigay ko na, tapos naging constant and texting, exchange of sweet quotes and we talked over the phone for hours, and then i remembered him from my distant past and i told him he used to tease me. after quite sometime, we gt along well, then i realized i was falling for him and i told him "you know what, i think i like you" he urgently reply " what if i feel the same way?". we lasted for a year but until now i still feel the same way as i did.

-zang
first love.. unexplainable talaga ( well for me) just want to share my story..:)
back in high school meron akong admirer he was 2 yrs ahead than me.. he always gives me flowers every valentine's day at dahil 1st year high school pa lang naman ako nun wala akong kamuwang muwang sa mga ganyang bagay.. so receive lang ng receive kahit na grumaduate na sya nun pinapadalan niya pa din ako ng flowers that was until my 4th year in high school.. take note di kami nag-usap kahit minsan dahil hindi ko din naman sya type, at hindi din naman ako nag i-entertain ng suitors back then..and here comes college, accidentally nagkita kami 3rd year na ko neto tapos parang suddenly nag iba na ang aura nya.. gwapo na sya dati, peru ngayon ko lang talaga napansin.. at iba ang dating niya sakin dis time.. haha.. may kilig factor p ko neto..  akala ko namn di na nya ko crush kasi ilang years na naman ang lumipas nun.. peru hindi pla.. nakuha nya ang number ko thru my friend who happens to be his friend as well, so ayun.. to cut the story short naging kami.. haha sinagot ko sya after i graduated college and til now kami pa din.. hehe at sana kami na 'gang sa huli..  

-classicchiq026
si first love ay si 2nd ex bf din. (paano joke time yung una! haha) kabatch ko siya nung highschool. tapos close pa yung mga classmates ko at classmates niya tapos hanggang ayun tuksuhan. naging kami mula nung 1st year - 3rd yr. pag anjan si classic angjan din si "doom" nagbreak kami kasi niloko ko siya. (ang sama ko)pero pinagsisishan ko yun kasi feeling ko nagsawa lang ako na puro kami na lang eh parang ambata pa talaga namin at mahaba pa buhay. hanggang sa nabalitaan ko naging babaero na siya til 4th year kami. from 3rd - 4th yr hindi kami nagpansinan.kahit magkasalubong sa corridor ng school. pero again dahil sa mga friends namin nagkabalikan ulit kami ng end of 4th yr highschool. so college na eh sa Manila siya aral ako sa eLBi. ang hirap pala tapos weekends imbes magkita kami nauubos time ko sa family ko kasi nga naman minsan na lang ako umuwi manila. after mga 7 months nakipaghiwalay ako sa kanya. ang rason ko niloko ko ulit siya, pero hindi naman talaga. gumawa lang ako paraan para hindi na niya ako habulin. kasi naawa lang ako na panay paramdam niya tapos ako wala time kasi aral (at wala pa unlimited text non no!)pero mahal ko pa siya sabi ko babalikan ko siya pag mejo makaadjust na ako. nung babalikan ko na siya sabi niya may gf na siya. syempre hindi ako siya masisi. tapos ayun ako after 2 months nagkabf ng iba at nakakainis kasi siya naman yung bumabalik kesyo iniwan na niya yung gf niya. hay ayun hindi na kami nagkabalikan. nabalitaan ko na lang na naging sila ulit nung girl at til now sila pa. then last year nalaman ko may anak na sila. may sakit pa din kahit papaano nung nalaman ko yun. parang ako dapat yan na magiging partner mo eh..  ang haba.. pasensya na hehe


Hope you guys enjoy reading! anyway, Uulitin ko na naman ang pagpa-plug ng aking online job, if your interested, pwede akong gayahin, hindi ako magagalit, :) Paki-click na lang ng link sa baba, please please please.. Thanks! GODbless you!!! :)

Wednesday, April 20, 2011

SM summer job

Hmmmm.... ang sakit sa binti.... ang taas ng heels ko.. hehe.. nakakatakot baka masira legs ko.. LOL
Anyway, masaya naman siya.. Pa-petiks petiks lang ako.. Kaso nga lang may problema ako, huhu.. (Hayyyy, sakin na lang yun, kakahiya ehh..) Salamat nga pala ulit sa sm kasi binigyan niya ako ng pagkakataong magka-pera.. I promise next time talaga, Ill do my best para naman worth it ang pinapasweldo nila sakin.. Hayyy...
Eto nga pala ang mga naalala ko pang mga pangyayari...

Monday: Waaaahhhhh!!!! Ang nakakatakot na first day.. Hehe.. Late na ko, Naibagsak ko pa ang crucifix (SORRY PO PATAWARIN NINYO AKO, HUHUHUHU ), kaya ayun, hehe.. hinihintay ko nga ang jeep na mabangga nong mga oras na iyon, akala ko talaga mamamatay na ko, pero, thanks GOD, buhay pa rin ako as of this moment.. Pero, kung mangyayari un, ok lang, basta walang mangyaring masama sa pamilya ko, sila ang first priority ko ngayon at mahal na mahal ko sila.. Ayun, late ako sa orientation.. Then nakilala ko ung iba ko pa ka-iskolar.. Si kuya Rozen, mabuti naman medyo mabait.. Taz un, Pinapull-out na kami ni Ma'am Cathy??(Huhu, nakalimutan ko name, sorry po ulit..) Taz pinaderetso na kami sa work.. Taz dun daw ako sa promotion, sa mga yoga mat(Pilates..) Nakilala ko naman sina Jeffrey, Christian, Aileen.. Hehe.. Mababait naman sila, thanks GOD ulit.. Hehe, taz un, tinuruan nila akong magpa-petiks petiks, hehehehehe..  :)

Waaaahhhh!!!! tinatamad na ako, hehe.. basta, masaya naman ang mga unang araw ko sa SM, ang aking sponsor.. :)

Anyway, Huwag ninyo kalimutan ang online job na ipinopromote ko ha???? Maganda to, promise!!! Bayiiieeehhh!!!! Manonood muna ako ng My Sassy Girl Choon-Hyang..♥

Click Here

Tuesday, April 12, 2011

Online Job!

I have discovered a nice online job!!!
It was not a joke. Thankful nga ako kasi kahit estudyante pa lang ako, kumikita na.
Just click this site and you'll see why.. :)
Goodluck!
online job!

Tuesday, November 30, 2010

suziegurl's fav song :)

 You're the Inspiration
Chicago

You know our love was meant to be
the kind of love that lasts forever
And I want you here with me
from tonight until the end of time.
You should know, everywhere I go
Always on my mind, in my heart
in my soul..baby


CHORUS
You're the meaning in my life
you're the inspiration.
You bring feeling to my life
you're the inspiration.
Wanna have you near me
I wanna have you hear me sayin':
No one needs you more than I need you.

And I know, yes I know that it's plain to see
So in love when we're together.
Now I know that I need you here with me
From tonight until the end of time.
You should know, everywhere I go
Always on my mind you're in my heart in my soul.

CHORUS
You're the meaning in my life
you're the inspiration.
You bring feeling to my life
you're the inspiration.
Wanna have you near me
I wanna have you hear me sayin':
No one needs you more than I need you.

Wanna have you near me
I wanna have you hear me sayin':
No one needs you more than I need you.

CHORUS
You're the meaning in my life
you're the inspiration.
You bring feeling to my life
you're the inspiration.
Wanna have you near me
I wanna have you hear me sayin':
No one needs you more than I need you.
When you love somebody 'til the end of time

When you love somebody, always on my mind

No one needs you more than I.