Friday, May 20, 2011

Sana Talaga :)

"Never give up! Patience is a virtue! Trust GOD!" :)

I have been battling with many problems these past few days. Noong isang araw talaga, halos mawalan na ko ng pag-asa. Hearing other people say bad things about you, or rather seeing them looking at you(ung mga tingin na  tipong nanunukat ng pagkatao) has been really a traumatic experience. Grabe lang.

Kanina I had a siesta, and paggising ko naalala ko bigla ang namayapa kong tatay. Ung mga life stories nia na ikinukwento nia saken nung mga time na lasing sya habang nag-aaral ako. My father had a very poor/difficult life during his childhood days. Hindi sya nakapag-tapos ng pag-aaral kahit matalino sya dahil sa kakulangan ng pera, kaya naman siguro kung nasaan sya ngayon, masaya sya kasi lahat kami ng mga kapatid ko were given/having a chance to go to school. Alam ko na dati na naging selfish ako kasi ipinagpilitan ko na pumasok sa malayo because of personal reasons, mga dahilang ako lang ang nakakaalam. May mga experiences ako sa Batangas na nagpa-trauma talaga saken these past few years, na naging dahilan kaya naging medyo loner ako at nag-decide na i-pursue ang pagpasok sa malayo. I don't know, pero, sorry kung saan2 nagsasanga ang kwento ko ha, I also had difficulty sharing secrets with other people, even if its the person I am close to. Nung elem kasi, pinagtaksilan na ko ng bestfriend ko, telling other my confidential and almost dreadful secret na sa kanya ko lang sinabi hurted me a lot, making me afraid to trust people. Anyway, napaiyak talaga ako kanina nung naalala ko nga ang tatay ko.

I never questioned my father's ability of being a good father. Kahit di pa sya ama alam ko na good talaga sya, and I love him so much like how i love my other family members. Na-konsensya lang talaga ako kasi feeling ko ako ang pinaka-selfish at pinaka-pabigat sa family ko ngayon. I tried my best naman to be a good person, at hanggang ngayon mas pagbubutihan ko pa para mas lalong maging mabuti. Sorry talaga sanga-sanga kwento ko ha, andami kasing laman ng isip ko ngayon at as of now dito lang talaga ako makakapagbuhos ng sama ng loob kasi hindi talaga ako makapag-open up dito sa bahay. I have difficulty in sharing my feelings with them kasi im afraid to be misunderstood, pero mahal na mahal ko sila, hindi ko nga lang masyadong pinahahalata.

Sana talaga makapag-move on na ako at matanggap ang mga naging pangyayari sa buhay ko. Sana ma-realize ko na lahat ng mali kong ginagawa para hindi ko na sya ulitin. Sana, wag masyadong maging harsh ang karma sa pagtira saken. Sana rin ma-realize ko lahat ng mga naging at currently kong kasalanan para at least ma-itama ko or maka-hingi ako ng tawad sa mga na-agrabyado ko. With GOD's help, I know I'll completely move on someday. Let's all be happy, K? Hehe.. :)

No comments:

Post a Comment